Djokovic at Alcaraz, may showdown para sa gold medal sa Olympics
Tinalo ni Novak Djokovic si Lorenzo Musetti ng Italy sa score na 6-4 6-2 upang magkaroon ng daan para sa isang “blockbuster battle” laban kay Carlos Alcaraz ng Spain para sa men’s singles tennis gold sa Paris Games.
Nabigo ang 37-anyos na Serbian sa tatlo niyang nakaraang Olympic singles semi-finals, ngunit wala sa plano niyang muli pang mabigo kaya’t gumawa siya ng isang “high-quality” performance sa Rolland Garros.
Samantala, tinalo naman ng 21-anyos na si Alcaraz si Felix Auger-Aliassime ng Canada sa score na 6-1 6-1 sa Court Philippe Chatrier.
Si Djokovic ay napahiga pagkatapos ng isang match point, dahil napagtanto niya na makakapasok na siya sa final. Ang isang Olympic gold medal na lamang ang kulang sa 24 na Grand Slam titles na hawak niya ngayon.
Masaya niyang sinabi, “It was such a tense match, a lot of emotions and stress coming into this match. I’m thrilled, I want to win gold but already this is a huge result for me. I was very nervous before the match and really wanted to get through this one.”
Ang tanging Olympic medal lamang ni Djokovic ay isang tanso mula sa Beijing 2008, kung saan tinalo siya ni Rafael Nadal sa semi-final. Tinalo din siya ni Andy Murray sa 2012 semi-final sa London habang si Alexander Zverev naman ang humarang sa kanyang landas sa Tokyo Games.
Si Musetti, na naghahangad na sundan ang pares ng Italyanong sina Jasmine Paolini at Sara Errani, na nauna nang umabot sa finals ng women’s doubles, ay nagpakita rin ng mahusay na laro ngunit nagawa ni Djokovic na ma-break ang serve sa 10th game upang makuha ang first set.
Ang second seed na si Alcaraz ang pinakabatang tennis player, ngunit kung pagbabatayan kung paano niya dinaig si Felix Auger-Aliassime ng Canada, ay masasabing isa siyang mabigat na balakid kay Djokovic sa hinahangad nitong ginto.
Sani ni Alcaraz, “I played at a very high level from the beginning to the end. One of my objectives at the beginning of the year was to win a gold medal and now we have this one match to try to get it. It’s a very important moment for my team, my family and the Spanish people and I want to do the business.”
Target ni Auger-Aliassime na maging kauna-unahang Canadian na nakarating sa Olympic singles final subalit nabigo siya.
Ayon sa 23-anyos, “Be it the forehand, the forehand inside out, the back inside, I mean, every aspect, the movement, the defence, I was dominated, there’s not much more to say.”