Djokovic at Nadal, magsasagupa sa ika-59 na pagkakataon sa French Open blockbuster
Muling nabuhay ang 16 na taon nang tunggalian sa pagitan nina Rafael Nadal at Novak Djokovic sa French Open, kung saan paglalabanan nila ang semi-final spot.
Si Nadal na magdiriwang ng kaniyang ika-36 na taong kaarawan sa Biyernes (June 3), ay may 109 na panalo at tatlong talo lamang sa Paris mula sa kaniyang title-winning debut noong 2005.
Sa kaniyang panalo laban sa 21-anyos na si Felix Auger-Aliassime para makapasok sa quarterfinals, inamin ni Nadal na hindi lamang ang French Open title ngayong taon ang nakataya kundi posibleng pati ang kabuuan ng kaniyang kinabukasan sa Tennis.
Ayon kay Nadal . . . “I know my situation, and I accept it. I am just enjoying the fact that I am here for one more year. And being honest, every match that I play here, I don’t know if it’s going to be my last at Roland Garros.”
Sa kabuuan, nangunguna si Djokovic kay Nadal sa record na 30-28 simula nang una silang magharap sa 2006 French Open. Mayroon namang 19-8 na kalamangan si Nadal sa clay court at nanalo na ng pito sa siyam nilang paghaharap ni Djokovic.
Ang dalawa ay kapwa maglalaro sa quarter-finals sa Roland Garros para sa ika-16 na pagkakataon.
Ayon kay Djokovic . . . “I’m glad that I didn’t spend too much time on the court up to the quarter-finals, knowing that playing Nadal in Roland Garros is always a physical battle.’
© Agence France-Presse