Djokovic, inaasahan ang Wimbledon title matapos umatras ni Nadal
Pinaghahandaan ni Novak Djokovic ang Wimbledon semi-final ngayong Biyernes laban kay Cameron Norrie, kung saan medyo kampante na siya para sa titulo matapos umatras ng pinakamalaki niyang kalabang si Rafael Nadal.
Napilitang umatras ng Spanish second seed nitong Huwebes bago pa man ang kaniyang last-four match laban kay Nick Kyrgios, sanhi ng abdominal injury.
Dahil sa pag-atras ni Nadal, si Kyrgios ay magkakaroon ng isang enforced break bago ang finals sa Linggo.
Dinaig ng 35-anyos na Serbian ang Italian 10th seed na si Jannik Sinner sa quarter-final noong Martes.
Si Djokovic ay nasa kaniya nang 26-match winning streak sa Wimbledon, at target niyang makapantay si Pete Sampras na may pitong titulo sa All England Club – at kulang isang titulo naman sa men’s record ni Roger Federer.
Target din niyang magkaroon ng record 32nd Grand Slam singles final, na maglalagay sa kaniya ng isang puntos sa unahan ni Federer.
Sakaling mapanalunan niya ang Wimbledon title ngayon, aabot na siya sa 21 Grand Slam titles, lampas ng isa kay Federer at kulang ng isa sa hulihan ni Nadal sa karera para makoronahang “greatest of all time.”