Djokovic, muling gumawa ng record matapos ang ika-77 Masters semi-final sa Monte Carlo
Muling gumawa ng record ang Serbian tennis star na si Novak Djokovic, makaraan ang ika-77 Masters semi-final nang talunin niya si Alex de Minaur ng Australia sa straight sets sa Monte Carlo, habang nakuha naman ni Jannik Sinner ang kaniyang ika-25 panalo ng taon.
Ang 36-anyos na world number one, ay dumaan sa isang ‘rollercoaster quarter-final’ upang manalo sa score na 7-5, 6-4 at makapasok sa huling apat sa principality sa unang pagkakataon mula noong 2015, nang angkinin niya ang kaniyang second title sa torneo.
Si Djokovic, na pinakamatandang nakapasok sa semi-finals ng Monte Carlo sa Open Era, ay makakalaban ni Casper Ruud ng Norway para sa championship match sa Linggo.
Sinabi ni Djokovic, na bumawi sa kaniyang pagkatalo kay De Minaur sa United Cup noong Enero, “It was tough for both of us. He is one of the quickest players on tour. He gets a lot of balls back that normally 99 percent of other players don’t. He did not surprise me with several passing shots. Particularly in the second set when I was up a break.”
Dagdag pa niya, “But he said at the net it was ugly. The second set I think it was. We didn’t play at the high level and made a lot of unforced errors, him and I, and a lot of breaks of serve. It is kind of expected on clay but maybe not this many. But a win is a win and I am happy to be through.”
Sa iba pang semi-final games ay naglaban naman ang Australian Open champion at world number two na si Jannik Sinner, at ang two-time Monte Carlo winner na si Stefanos Tsitsipas.
Nakuha ni Sinner ang kaniyang 2024 record na 25 panalo na may isa lamang talo sa pamamagitan ng 6-4, 6-7 (6/8), 6-3 victory laban sa 2023 runner-up na si Holger Rune.
Dinaig din ng Greek 12th seed na si Tsitsipas si Karen Khachanov ng Russia sa score na 6-4, 6-2.
Tila naging komportable si Djokovic sa ilalim ng mainit na araw ng Riviera, sa laban nila ng 11th seeded na si de Minaur dahil matapos manaig sa first set, ay agad din siyang nanguna sa score na 2-0 sa second set.
Gayunman, nakabawi ang kalaban hanggang sa mag-tie sa 4-4.
Nagawa namang i-secure ni Djokovic ang kaniyang fifth break sa match pagdating ng 10th game upang ipanalo ang laro, na tumagal ng lampas lamang ng kaunti sa dalawang oras.
Angry young man: Holger Rune faces the chair umpire and supervisor in his loss to Jannik Sinner / Valery HACHE / AFP
Namalagi namang mahinahon si Sinner kabaligtaran sa pag-init ng ulo ni Rune sa kanilang dalawang oras at 40-minutong marathon.
Si Rune, na mawawala na sa top 10 sa susunod na linggo, ay binalaan ng chair umpire para sa hindi magandang pag-uugali, matapos ang isang sarkastikong galaw pagdating ng second set.
Lalo pa siyang na-boo nang maupo at hilingin na ipatawag ang supervisor.
Nagawa naman ng 20-anyos na Danish player na maibalik ang kaniyang hinahon, at nakapag-save ng dalawang match points para sa isang tie.
Subalit, naging matalino ang mga kilos ni Sinner sa kaniyang fifth semi-final ng 2024, upang tila makaganti sa naging pagkatalo niya kay Rune sa last-four sa Monte Carlo, 12 buwan na ang nakalilipas.
Ayon kay Sinner, “One can try and create a little bit of chaos. That is no problem. I learned from last year. That is all part of the learning process.”
Samantala, kinailangan lamang ng 81 minuto ni Tsitsipas, winner ng Monte Carlo title noong 2021 at 2022, upang maitala ang ika-walo niyang panalo sa siyam nilang paghaharap ni Khachanov.
Sinabi ni Tsitsipas, “I was very effective from the start, I had a lot of pace and gained momentum. I tried to do my part and press and it worked out really well.”
Dagdag pa niya, “There are many good memories here and stepping out and coming back revives those good memories. It brings me alive.”
Dinaig naman ng eighth-seeded na si Ruud ang 14th seed na si Ugo Humbert ng France sa score na 6-3, 4-6, 6-1 para makapasok sa semi-finals sa Monte Carlo sa ikalawang pagkakataon.
Titingnan ni Ruud kung mababawi niya ang 5-0 losing record laban kay Djokovic, sa isang nakalulungkot na pangyayari na kinabibilangan ng sunod na sets na pagkatalo laban sa Serbian star sa French Open final noong nakaraang taon.