Djokovic, ready na ‘to play better than ever’

Serbian Tennis player Novak Djokovic (R) visits the Serbian pavillion at the Expo 2020 in Dubai, on February 17, 2022.
AFP

Sinabi ni Novak Djokovic na handa na siyang maglaro ng mas mahusay pa kasya dati, sa bisperas ng kaniyang pagbabalik sa tennis, isang buwan matapos siyang i-deport mula Australia dahil sa isyu ng COVID-19 vaccination.

Aminado ang 34-anyos na manlalaro, na ang pangyayari ay maaaring mag-iwan ng marka nguni’t target niyang muling magningning.

Ayon kay Djokovic . . . “I can’t say that things will be the same when I return to the court .. but there is an additional reason to play better than ever.”

Plano ng World No. 1 na maglaro sa malalaking torneo, bagama’t inamin niya na ang kaniyang partisipasyon ay hindi lamang lalhat dedepende sa kaniya.

Aniya . . . “It will depend on the countries where the tournaments will be held, I will be ready and want to continue my career.’

Inamin din nito na goal niya ang makalahok sa 2024 Paris Olympics, at nais niyang makuha ang isang “single big title” na hindi pa niya napapanalunan.

Wika nito . . . “I want, I am preparing and planning to participate in the Olympic Games in Paris and represent Serbia.”

Ang mga hangaring ito ni Djokovic ay posibleng magkaroon na naman ng problema sa mga panuntunan, dahil karamihan sa mga bansa ay inoobliga ang mga atleta na magpabakuna, nguni’t ang kaniyang paninindigan tungkol sa pagpapabakuna ay hindi pa rin nagbabago hanggang sa ngayon.

Katwiran ng Serbian player. . . “As a professional athlete, I triple-check everything that enters my body and how it affects me. If something changes for half percent, I feel it.”

Gayunman, muling itinanggi ni Djokovic ang mga akusasyon na tutol ito sa pagpapabakuna.

Pliwanag niya . . . “I don’t like to be associated with certain initiatives or communities. I never said I belong to any initiative. I keep an open mind … Everything is possible in life, we will see how the situation will evolve, but at the moment I decided not to do it (get vaccinated).”

Sinabi pa nito na nakatanggap siya ng isang “supportive” text message mula kay Daniil Medvedev 45 minuto matapos matalo ang Russian player kay Rafael Nadal sa Australian Open final noong nakalipas na buwan.

Napanalunan ni Nadal ang kaniyang ika-21 Grand Slam title, para ma-break tie nilang tatlo nina Djokovic at Roger Federer na tig-20 title.

Dagdag pa ni Djokovic, na-appreciate niya ang natatanggap na suporta mula sa ilang mga manlalaro habang siya ay naka-detain sa Australia, laluna sa hindi karaniwang suportang nakuha niya mula sa isang lalaki na kalimitang niyang nakakapalitan ng insulto.

Aniya . . . “(Nick) Kyrgios surprised me the most because we had our misunderstandings in the past. I thanked him and other players who stood with me — Medvedev, (Alexander) Zverev and plenty of female players like Alize Cornet.”

Ang Serbian player ay lalahok sa ATP 500 tournament sa Dubai, which na idaraos sa Lunes sa mayamang Gulf emirate, kung saan hindi mandatory ang anti-COVID-19 vaccine.

Please follow and like us: