Djokovic, tumabla na kay Nadal sa pagkakaroon ng 22 Grand Slam title makaraang magwagi sa 10th Australian Open
Dinaig ng emosyunal na si Novak Djokovic si Stefanos Tsitsipas ng Greece para angkinin ang 10th Australian Open title, at pumantay na sa 22 Grand Slam crown ni Rafarl Nadal, isang tagumpay na nagpanumbalik sa kaniya sa pagiging world number one.
Napagtagumpayan din ng Serbian star ang kaniyang hamstring injury at off-court drama sa kaniyang pagbabalik sa Melbourne Park upang talunin ang Greek third seed sa score na 6-3, 7-6 (7/4), 7-6 (7/5) sa laban nila na ginanap sa Rod Laver Arena.
Ang panalo ay isang kahanga-hangang pagbabalik ng 35-anyos na 4th seed, na hindi nakapaglaro sa Australian Open noong isang taon matapos siyang ma-deport dahil sa isyu ng kaniyang COVID-19 vaccination.
Dahil sa panalo, kapantay na ngayon ni Djokovic si Nadal na mayroong record na 22 Grand Slam, at dalawa na lamang ang kulang para naman makapantay si Roger Federer.
Ang 2nd round exit ng Spanish great dahil sa hip injury ay ikinabigla ng lahat, ngunit target nitong magbalik para sa clay-court season sa French Open, at para makuha ang kaniyang ika-23 Slam title.
Gayunman, nakatakdang bumaba ang ranggo ni Nadal sa sandaling ilabas na iyon, kabaligtaran ni Djokovic na paaalisin si trono ang Spanish teenager na si Carlos Alcaraz para bumalik sa pagiging numero uno sa unang pagkakataon simula noong Hunyo. Aakyat naman si Tsitsipas ng isang puwesto para maging rank No. 3.
Si Djokovic at Tsitsipas ay kapwa bumalik sa tennis court na nakatulong para sila ay sumikat.
Napanalunan ni Djokovic ang una niyang Grand Slam noong 2008 sa Rod Laver Arena, habang si Tsitsipas naman ay lumitaw sa eksena noong 2019 nang talunin niya ang defending champion na si Federer sa huling 16.
© Agence France-Presse