Djokovic, umaasang makukuha ang ika-15 sunod niyang French Open quarter-final
Target ni Novak Dyokovic na maabot ang ika-15 sunod niyang French Open quarter-final.
Nakapasok sa last 16 ang defending champion at 24-time Grand Slam title winner, makaraang talunin si Lorenzo Musetti ng Italy sa isang five-set epic match kahapon, Linggo.
Ayon sa 37-anyos na si Djokovic, “I think certain things could have been handled differently. There is a certain beauty in winning the match at three in the morning if it is the last of the tournament, but this wasn’t the case.”
Ngayong Lunes ay makakaharap ng three-time French Open champion na si Djokovic, ang Argentine 23rd seed na si Francisco Cerundolo para makakuha ng puwesto sa last eight.
Sakaling manalo, magiging record ito para kay Djokovic para sa kaniyang ika-370th Grand Slam match win.
Hindi pa nagkakaharap si Cerundolo at Djokovic, ngunit dinaig ng Argentine ang world number four na si Alexander Zverev sa clay court sa Madrid sa unang bahagi ng season, patungo sa quarter-finals.
Napasama rin ang 25-anyos sa last 16 sa Paris noong 2023, ngunit natalo siya kay Holger Rune ng Denmark sa isang five set match.
Ang 27-anyos na German na si Zverev ay naglalaro sa kabila ng ongoing trial sa kaniya sa Berlin kaugnay ng mga alegasyon ng pananakit sa kaniyang dating kasintahan.
Si Zverev ay nakapasok sa fourth round sa Roland Garros sa pitong sunod-sunod na taon, at tanging player na naka-abot sa semi-finals sa tatlong huling French Opens.
Tinalo naman ni Rune na two-time quarter-finalist sa Paris si Zverev sa straight sets sa kanilang paghaharap sa clay court sa Munich noong 2022.
Maghaharap naman ang fifth-seeded Russian na si Daniil Medvedev at ang Australian 11th seed na si Alex de Minaur.
Umabot sa quarter-finals ang dating US Open champion na si Medvedev noong 2021, na tumapos sa apat na magkakasunod niyang pagkatalo sa first round.
Samantala, si Casper Ruud, na runner-up kay Nadal at kay Djokovic sa nakalipas na dalawang taon, ay lalaban kay Taylor Fritz para sa quarter-final spot.