DMB maglulunsad ng Procurement Service ng e-marketplace sa ilalim ng PhilGEPS
Sa gitna ng isinusulong na online government procurement system, pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang safeguards nito.
Mahigpit na bilin ng Pangulo, dapat protektado ang lahat…at magagawa ito kung lahat ng makakasali ay dapat na accredited.
Nagbabala rin si PBBM laban sa overpricing.
“We know that… goods that might be overpriced. There are already some exploitation of market power by preventing competitors from coming in,” pahayag ni PBBM.
Una rito, inanunsyo ng Department of Budget and Management na maglulunsad ang kanilang Procurement Service ng e-Marketplace sa ilalim ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).
Una ng nagpahayag ng suporta ang Pangulo sa proyekto na ginagawa na rin sa bang bansa tulad ng Indonesia.
Kaugnay nito sinabi ni Commission on Audit Chairperson Gamaliel Cordoba na isasama nila sa nakatakdang bilateral meeting sa Audit Board of Indonesia si Executive Director Dennis Santiago ng PS-DBM.
Sa nasabing bilateral meeting ay tatalakayin ang istratehiya ng Indonesia sa pagpapatupad nila ng e-Marketplace
Tiwala si Cordoba na makatutulong sa bansa kung magagawa din ang e-Marketplace na pinaiiral sa Indonesia dahil maiiwasan ang ang mga maling hakbang sa public procurement.
Madelyn Moratillo