DMW nagpadala ng augmentation team sa Taiwan para umalalay sa mga Pinoy na naapektuhan ng lindol
Nagtungo na sa Taiwan ang anim na miyembro ng augmentation team ng Department of Migrant Workers (DMW) para magbigay ng tulong sa mga Pilipino na naapektuhan ng malakas na lindol doon.
Pahayag ng ahensiya, “The DMW is deploying a six-member augmentation team today to address the needs of the approximately 5,000 OFWs in Hualien County and surrounding counties. The team will provide psycho-social and mental wellness support for OFWs who need this kind of assistance.”
Ayon sa DMW, magkakaloob ng psycho-social at mental wellness support ang mga tauhan para sa mga Pinoy na nangngailangan ng mga ito.
Samantala, iniulat din nito na umakyat na sa siyam na Pinoy ang nagtamo ng sugat bunsod ng lindol. Tumanggap na ang mga ito ng atensiyong medikal at nagpapagaling na sa kanilang mga dormitoryo at tinutuluyan.
Dagdag pa ng ahensiya, “All the OFWs have received medical attention for their injuries and are recovering in their respective company dormitories and accommodations. Their health and condition are being monitored closely by the DMW’s Migrant Workers Office in Taipei (MWO-Taipei).”
Sinabi pa ng DMW na patuloy itong nakikipagtulungan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) at sa Migrant Workers Office nito sa Taipei para sa pagsuporta sa OFWs.
Moira Encina