‘Doctor Strange’ muling nanguna sa North American box office para sa ikalawang linggo

Benedict Cumberbatch attends the NY special screening of Doctor Strange in the Multiverse of Madness on May 05, 2022 in New York City. Noam Galai/Getty Images for Disney/AFP 
Noam Galai / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Muling nanguna sa North America ang ‘Doctor Strange and the Multiverse of Madness,’ kung saan kumita ito ng karagdagang $61 million sa ikalawang linggo nito sa takilya mula nang ipalabas.

Sumunod naman sa Doctor Strange sa ikalawang puwesto ang The Bad Guys na kumita ng $6.9 million, sinundan ito ng Sonic the Hedgehog 2 sa ikatlong puwesto na may kitang $4.6 million.

Nasa ika-apat na puwesto naman ang Firestarter na kumita ng $3.8 million at ang Everything Everywhere All at Once ay nasa No. 5 spot.

Narito naman ang kukumpleto sa talaan ng Top 10:

6. Fantastic Beasts: The Secret of Dumbledore ($2.4 million)

7. The Lost City ($1.73 million)

8. The Northmanat ($1.7 million)

9. Family Camp ($1.4 million)

10. The Unbearable Weight of Massive Talent ($1.05 million)

Ang Top 10 movies sa linggong ito ay kumita ng humigit-kumulang $87.9 million, habang ang kinita naman ng Top 10 movies nitong nakalipas na linggo ay humigit-kumulang $217 million, kasama na ang $185 million para sa Doctor Strange.

Please follow and like us: