DOE hugas sa isyu ng missing Malampaya funds
Naghugas kamay ang Department of Energy sa isyu ng nawawala o missing na 25 billionpesos mula sa Malampaya funds.
Sa pagdinig ukol sa 2.6 billion na 2018 budget ng DOE, pinagpaliwanag ni Kabayan Rep. Harry Roque ang DOE sa missing Malampaya fund.
Pero ayon kay DOE Spokesman Wimpy Fuentebella, wala silang pananagutan dito dahil pumapasok lamang sa kanila ang pera ngunit direkta nila itong inire-remit sa Bureau of Treasury.
Hindi sila kasama sa COA report dahil wala silang kontrol sa Malampaya funds.
Inihayag din ni Fuentebella na umabot na sa 241.37 billion ang total collection ng Malampaya funds kung saan 47.74 billion ang kabuuan nang nagamit dito.
Hihingi sila ng permiso at lehislasyon sa Kongreso para magamit ang Malampaya fund sa mga proyekto ng DOE kabilang ang:
-Visayas-Mindanao interconnection project
– Bohol-Cebu interconnection project
– Antique-Mindoro interconnection project
– at NEA Sitio electrification project
Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo