DOE officials, nais papanagutin ng mga Senador sa nangyayaring power outages
Pinadadalo ng Senate Energy Committee sa pagdinig sa susunod na linggo ang mga opisyal ng Department of Enegry.
Ito’y para magpaliwanag sa nangyaring blackout na nagsimula noong Lunes.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Komite, sa nakuha aniya niyang datos, aabot sa 339,000 mga bahay ang nawalan ng kuryente, 90 Barangay at 16 na lokal na pamahalaan.
Pati aniya registration at pagbabakuna ay apektado na ng nangyayaring brownout.
Sinusuportahan naman ni Senador Grace Poe ang isyu.
Aniya maging ang mga investors aniya ay nagrereklamo hindi lang sa kakulangan ng suplay ng kuryente kundi ang napakamahal na singil sa enerhiya.
Naniniwala rin si Poe na dapat papanagutin ang mga opisyal ng DOE anuman ang ugat ng problema.
Meanne Corvera