DOF at USAID lumagda sa isang kasunduan para mapataas ang Economic growth ng bansa
Lumagda sa isang kasunduan ang Amerika at Pilipinas para mapataas ang Economic growth ng Pilipinas.
Ang limang taong Bilateral Assistance agreement ay nagkakahalaga ng 213 million dollars o 10. 5 billion ay nilagdaan sa pagitan ng Department of Finance at United States Agency For International Development (USAID).
Ang pondo ay gagamitin sa market driven growth, pagpapalawak ng mga business opportunities at mga bagong innovation para sa mga Small and Medium Enterprises.
Kasama rin sa pagkakagastusan ng pondo ang pagpapataas ng Information and Communication Technology na inaasahang pakikinabangan ng mga nasa Digital economy.
Ayon kay USAID Mission Director Lawrence Hardy, ang naturang bilateral agreement ay isa lamang sa apat na kasunduan ng USAID na inaasahang aabot sa 675 million US dollars o 32. 7 billion pesos.
Meanne Corvera