DOH aminado na mababa ang vaccine deployment sa BARMM
Aminado ang Department of Health na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Midanao ay may pinakamababang deployment ng Covid 19 vaccines sa mga rehiyon sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, kung ikukumpara sa ibang rehiyon ay maliit ang populasyon sa BARMM.
Bukod rito, ipinaliwanag ni Cabotaje na maraming challenges rin ang kinakaharap sa delivery ng bakuna sa mga lalawigan sa BARMM.
May mga lalawigan aniya sa BARMM na magkakalayo kaya mahirap ang delivery, ang iba naman ay walang cold storage facilities.
Isa pa sa problema aniya ay ang hindi regular na byahe ng eroplano na lang sa Sulu at Tawi Tawi.
Idagdag pa aniya kung may nagaganap na peace and order conflict o di kaya naman ay brown out.
Sa datos ng Department of Health, may 10,566 Covid 19 cases ang naitala sa BARMM.
Pero sa bilang na ito, 360 na lang ang aktibong kaso.
Madz Moratillo