DOH aminado na may under reporting ng COVID cases sa bansa
Aminado ang Department of Health na mayroong under reporting ng COVID-19 cases sa bansa.
Paliwanag ni DOH OIC Ma. Rosario Vergeire, noon pa man ay sinasabi na nila na hindi na nila nakukuha ang tunay na numero ng COVID cases sa bansa.
Ang pumapasok lang aniya sa kanilang official case tracking ay mga opisyal na sumalang sa RT PCR testing at hindi kasama rito ang mga nagpopositibo sa antigen.
Binigyang diin naman ni Vergeire na sa ngayon, ang mas mahalagang tutukan ay ang bilang ng mga kaso ng severe at kritikal at mga na-a-admit sa ospital.
Ginagamit aniya nila ang numero ng COVID cases para sa mga paghahanda kung pataas ang trend ng mga kaso.
Kahapon nakapagtala ng 1,010 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kaya umabot na ngayon sa
16,615 ang aktibong kaso ng virus infection.
Madelyn Villar-Moratillo