DOH, aminadong malaking hamon ang pagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban
Aminado ang Department of Health na isang malaking hamon ang paghuli at pagpapataw ng parusa sa mga lalabag sa istriktong pagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban.
Ayon kay DOH Regional Director Myrna Cabotaje, sa kabila nito ay maituturing din na malaking tulong sapagkat mapapababa ang kaso ng mga sakit na dulot ng sigarilyo.
Nilinaw din niya na ang sakop ng smoking ban ay mga paaralan, recreational facilities, elevators, stairwells, mga lugar na mayroong fire hazards, ospital at klinika, at mga food preparation area.
Gayunman, may mga nakalaan naman ng designated smoking areas na mayroon open area para sa proper ventilation ng delikadong usok.
Matatandaan na ang pagpapatupad ng Nationwide Smoking Ban o Executive Order No. 26 o Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Places na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 16, 2017.