DOH bubuo ng TWG para pag-aralan ang posibleng price range ng swab testing sa bansa
Bubuo ng isang technical working group ang Department of Health na mag-aaral sa posibleng maging presyuhan ng swab testing sa bansa.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ito ay habang hinihintay pa nila ang hiling na maglabas ang Pangulong Duterte ng Executive Order para sa regulasyon ng presyuhan ng swab testing.
Sinabi pa ni Vergeire, habang wala pa ang EO ay may mga ginagawa na rin silang hakbang para sa oras na mailabas ito ay maging mabilis ang implementasyon.
Sinulatan narin aniya nila maging iba pang concerned unit ng DOH na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga posibleng price range.
Umaasa naman ang opisyal na sa lalong madaling panahon ay mailalabas na ang EO para ma-regulate na ang presyuhan ng COVID-19 testing sa bansa.
Sa kasalukuyan ang presyuhan ng swab testing ay nagsisimula sa 3,000 pataas.
Madz Moratillo