DOH, bumili umano ng mga overpriced na Ambulansya – Senador Lacson
Ibinunyag ni Senador Ping Lacson na bumili rin ang Department of Health ng mga overpriced na ambulansya.
Sa nakuhang dokumento ng tanggapan ni Lacson , gumastos ang DOH ng 2.5 million pesos sa kada unit ng ambulansya na may automated external defibrillator o AED.
Pero ayon sa Senador ,ang halaga ng ambulansya na walang AED ay aabot lang sa 1.27 million pesos samantalang ang AED ay 300,000 pesos.
Nangangahulugan ito na dapat 1.5 hanggang 1.6 million lang ang ambulansya na may AED.
Sinabi ng Senador sa CALABARZON pa lamang nagbigay ang DOH ng 98 na ambulansya.
Tumanggi muna si Lacson na magbigay ng iba pang detalye sa nadiskubreng anomalya pero malinaw aniya na may nangyaring kurapsyon.
Uungkatin niya raw ang isyung ito sa susunod na pagdinig ng Senate blue ribbon committee o kayaý sa budget hearing ng Senado.
Meanne Corvera