DOH, DOLE at DTI nagpaalala sa mga employer hinggil sa pagtiyak ng mahigpit na pagsunod sa health protocols
Naglabas ng joint statement ang Departments of Health (DOH), Labor and Employment (DOLE), at Trade and Industry (DTI) para paalalahanan ang mga employer sa private at public sector na tiyaking mahigpit na maipapatupad ang minimum public health standards sa mga lugar ng paggawa.
Giit ng DOH, DOLE at DTI, sa panahong ito ng mabilis na pagdami ng COVID-19 cases hinihikayat nila ang mga employer na magpatupad ng alternative work arrangements gaya ng work-from-home setup kung posible.
Para naman sa nasa site ng trabaho, pinaalalahanan ang employers na magtalaga ng health safety officers para mamonitor rin ang lagay ng mga empleyado kung mayroong may sintomas ng virus.
Dapat ding masiguro na well ventilated ang mga opisina.
Isara ang mga pantry o lugar kung saan pwedeng magtago ang mga tao ng walang face mask.
Dapat ding mag facilitate ang employer ng isolation para sa symptomatic (for 10 days) o quarantine sa close contacts (14 days non-vaccinated, 7 days vaccinated) at testing ng symptomatic employees.
Hinihikayat rin nila ang mga ito na mahigpit na ipatupad ang inspeksyon ng proof of vaccination sa mga lugar o negosyo na ni- required ng IATF.
Para naman sa mga empleyado payo nila, kung makaramdam ng sintomas manatili nalang sa bahay at mag isolate.
Madz Moratillo