DOH, ginugunita ngayong linggo ang Bone and Joint (musculo-skeletal) Awareness week.

 

 

Tuwing sasapit ang ikatlong linggo ng Oktubre, ginugunita ang Bone and Joint awareness week.

Ito ay  sa bisa ng Presidential Proclamation no. 658 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong July 5, 2004.

Nilalayon ng naturang proklamasyon na lalong itaas ang kamalayan at kaalaman ng tao tungkol sa mga sakit na may kaugnayan sa buto at mga kasukasuan.

Ang arthritis o sakit sa buto at kasu kasuan, maging ang  rayuma ay ilan lamang sa sakit na nararanasan   ng halos lahat ng tao lalo na at nagkaka-edad na.

Ayon  sa eksperto, ang  arthritis ay ang pamamaga ng kasukasuan.

Karamihan daw sa mga may arthritis ay sumisikip ang mga muslces.

Kabilang sa sintomas nito ay pananakit at paninigas ng mga kasu kasuan o buto ang pangunahing sintomas nito.

Sabi pa ng eksperto, ang karaniwang bone and joint disorder na nararanasan ng mga Filipino ay Osteoarthritis at Gouty arthritis.

Sa mga may Osteoarthritis, ang kailangan ay magpapayat upang hindi mahirapan ang mga tuhod.

Para naman sa mga may gouty arthritis, ay mga pagkaing  sagana sa Uric acid at dapat na iwasan ang pag inom ng alak.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *