DOH handang magpatupad ng pagbabago sa protocol sakaling muling tumaas ang COVID cases sa bansa
Muling tiniyak ng Department of Health ang kahandaan sakaling bawiin ng World Health Organization ang deklarasyon ng Public Health Emergency.
Inihalimbawa ng DOH ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa na hindi naman naapektuhan ang COVID- 19 response kahit na hindi na-extend ang State of Calamity.
Bagamat niluwagan na ang mga kasalukuyang protocol sa bansa, tiniyak ng DOH na handa silang magpatupad ng ilang pagbabago o adjustments kung kinakailangan.
Maging mga ospital sa bansa ay nakahanda rin umano sakaling magkaroon ng pagtaas ng mga kaso.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na magpabakuna ng kontra COVID-19.
Madelyn Villar – Moratillo