DOH hinikayat ang mga taga BARMM na samantalahin ang gagawing special COVID-19 vaccination days
Simula ngayong araw, aarangkada na ang 1 buwang Bayanihan Bakunahan Special Vaccination Days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Isa ang BARMM sa may pinakamababang COVID-19 vaccination coverage sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, gagawin ito mula Abril 20 hanggang Mayo 20.
Magsasagawa din aniya ng booster shot vaccination sa mga nasabing araw.
Hinikayat naman ng opisyal ang mga taga BARMM na samantalahin ang pagkakataon para na rin sa kanilang proteksyon laban sa virus.
Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na umabot na sa 67 milyon ang fully vaccinated sa bansa.
May 1.5 milyong batang nasa edad 5 hanggang 11 ang bakunado na at 9.1 milyong nasa edad 12 hanggang 17 anyos ang protektado na rin sa COVID-19.
Umabot naman sa 12.7 milyon ang kabilang sa kategorya ng vaccinated plus o iyong may booster shot na.
Pero nasa 36 milyon naman ang wala pang booster dose.
Madelyn Villar-Moratillo