DOH iginiit na hindi variant of concern ang P3
Muli namang iginiit ng DOH na ang P3 o Philippine variant ay hindi variant of concern at wala pang mga ebidensya na nagpapakita na may epekto ito sa galaw ng virus.
Nilinaw naman ng DOH na ang South African variant ang pinaka pangkaraniwang variant sa mga sample na nasuri.
Sa ngayon, umabot na sa 7,167 samples ang naisailalim sa genome sequencing.
Sa ngayon, mayroong 4 na variant ng COVID 19 na ang nakapasok sa bansa.
Ito ang mga variant mula sa United Kingdom, South Africa, Brazil at ang P.3 o mula dito sa Pilipinas.
Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na kasabay ng pinaigting na vaccination program ng gobyerno ay dapat maging mahigpit rin ang publiko sa pagsunod sa minimum public health standards kontra COVID- 19.
Madz Moratillo