DOH iniimbestigahan na ang insidente ng palpak na pagbabakuna sa isang vaccination site
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na iniimbestigahan na nila ang kumalat na video online ng palpak na pagbabakuna sa isang vaccine recipient.
Sa nasabing video, makikita na itinurok ang karayom ng bakuna sa isang vaccine recipient pero hindi naman nai-inject ang mismong dose ng anti-COVID vaccine.
Ayon sa DOH, matapos mapansin ng nasabing recipient na hindi naitulak ng healthcare worker ang laman ng syringe ay ipinakita nito ang video sa vaccination team at agad rin itong nabakunahan ng tama.
Tinitignan na ng DOH ang nangyaring
breach na ito sa vaccination protocol.
Nagpaalala naman ang DOH sa lahat ng vaccinator na maging maingat at extra attentive sa pagbabakuna.
Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi ito ipagwawalang bahala ng DOH at tinitignan nila kung paano pa mas mapagbubuti ang kanilang protocol para masigurong hindi na ito mauulit.
Madelyn Moratillo