DOH: kaso ng tigdas sa bansa mas tumaas kumpara noong 2022
Nakapagtala ng 1, 829 kaso ng tigdas sa bansa sa unang 7 buwan ng 2023 o mula Enero 1 hanggang Oktubre 14 lamang.
Ayon sa Department of Health, mas mataas ito ng 299 percent kumpara sa 458 kaso lamang sa parehong panahon noong 2022.
May anim namang naitalang nasawi dahil sa tigdas ngayong taon.
Ito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 11.
sa BARMM naitala ang pinakamataas na kaso na umabot sa 601, sinundan ng Region 3 na may 260 na kaso, Region 7 na may 126 na kaso,National Capital Region na may 120 na kaso, at CALABARZON na may 107 na kaso.
Kung pagbabatayan naman ang monitoring ng DOH mula Oktubre 8 hanggang 14, nakapagtala ng 113 kaso ng tigdas sa panahong ito kung saan ang pinakamataas ay mula parin sa BARMM na umabot sa 62 kaso, 12 naman sa NCR, 10 sa Region 3, anim sa Region 10, tig tatlong kaso naman sa CALABARZON,Region 6 at 9.
Dahil sa COVID-19 pandemic maraming bata ang hindi napabakunahan kontra tigdas.
Kaya para maiwasan ang posibilidad ng outbreak ng sakit naglunsad ng catch up vaccination ang DOH para sa mga batang below 5 years old noong mayo na naextend pa hanggang Hunyo.
Sa nasabing bakunahan na tinawag nilang chikiting ligtas, nasa 8.12 milyong bata ang nabakunahan kontra tigdas.
Katumbas ito ng 83.69 percent ng target na 9.7 milyong bata na nais mabakunahan.
Kahit naman wala ng catch up vaccination,tiniyak ng DOH na tuloy parin ang pagbabakuna kontra tigdas sa mga Barangay Health Center.
Paalala ng DOH walang gamot sa tigdas pero pwede itong maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Madelyn Villar – Moratillo