DOH kinumpirma na maihahalintulad sa bulutong ang Delta variant dahil sa bilis makahawa
Kinumpirma ng Department of Health na maaaring maihalintulad sa bulutong ang Delta variant ng COVID-19 sa bilis nitong makahawa.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, gaya ng chicken pox o bulutong, ang isang taong may Delta variant ay kayang makahawa ng 8 katao.
Una rito, batay sa ginawang pag-aaral ng Center for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos lumalabas na ang Delta variant ay highly transmissibile o mabilis makahawa.
Ikinumpara nila ito sa iba pang sakit na mabilis makahawa at nakitang kagaya ito ang bulutong.
Ayon may Vergeire ang Delta variant ay may isanlibong mas mataas na viral load kumpara sa normal na Covid 19 virus.
Kaya kung dati ay maaari kang mahawa ng virus sa 15 minutong close contact, sa Delta variant aniya ay segundo lang maaari aniya itong makahawa, bakunado man o hindi kontra Covid-19.
Madz Moratillo