DOH, kinumpirmang may dalawang kaso na ng Indian variant sa bansa
Kinumpirma ng Department of Health na may naitala ng dalawang kaso ng Indian variant sa bansa.
Ang dalawang ito ay mga sea-based returning overseas Filipinos.
Ayon kay Dr. Althea de Guzman, direktor ng Epidemiology Bureau ng DOH, ang isa sa dalawang kaso na ito ay isang 37-anyos na lalaki na taga-Region 12.
Ang nasabing OFW ay mula sa Oman at dumating sa bansa noong Abril 10.
Pagdating sa bansa agad syang sumailalim sa isolation sa hotel sa NCR pero matapos magpositibo sa Covid 19 ay agad inilipat sa Quarantine facility.
Idineklara siyang recovered noong Abril 26 pero sumailalim din siya sa repeat test nung May 3 at nag-negatibo naman ang resulta.
Ang isa pa ay isang 58-anyos na lalaki na taga-Region 5.
Dumating siya sa bansa noong Abril 19 mila sa United Arab Emirates.
Pagdating sa bansa sumailalim agad ito sa isolation sa Clark.
Idineklara siyang recovered noong Mayo 6.
Ayon a DOH, parehong asymptomatic ang dalawa na ito hanggang ngayon.
Wala ring travel history ang mga ito sa India.
Hindi naman magsasagawa ng contact tracing ang DOH dahil ayon kay De Guzman, wala namang naging contact ang mga ito.
Pagdating kasi nila sa bansa ay agad sumailalim sa isolation ang mga ito.]
Madz Moratillo