DOH may paalala sa mga doktor sa pagbibigay ng reseta

Ivermectin is not a brand name: it is the generic term for the drug.

Nagpaalala ang Department of Health sa mga doktor na tiyaking kumpleto ang impormasyong inilalagay kapag nagbibigay ng reseta sa mga pasyente.

Ivermectin is not a brand name: it is the generic term for the drug.

Ginawa ni Health Usec Ma Rosario Vergeire ang pahayag kasunod ng ginawang pamamahagi ng Ivermectin sa Quezon City kahapon kung saan may mga kumalat na larawan ng reseta na ibinigay umano ng doktor pero walang pangalan ng manggagamot at iba pang detalye.

Ang makikita lang sa reseta ay pangalan ng pasyente, instruction sa pag inom ny Ivermectin, at pirma ng doktor.

Ayon kay Vergeire, dito sa bansa ay mayroong iba’t ibang batas na nagsasaad ng dapat maging laman ng isang reseta.

Kabilang aniya rito ang detalye patungkol sa pasyente, instruction sa pasyente, pangalan ng doktor, pirma nito at license number.

Una rito, nagsabi na ang DOH na sa ngayon ay wala pang sapat na mga ebidensya na nagsasabing epektibo ang Ivermectin sa COVID 19.

Sa susunod na buwan nakatakda namang simulan ng Department of Science and Technology ang clinical trial para sa Ivermectin.

Madz Moratillo

Please follow and like us: