DOH, muling nakapagtala ng higit 16,000 na bagong kaso ng Covid-19; Bagong recoveries naitala naman sa 13,952
Nakapagtala ang Department of Health ng kabuuang 16,044 karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong Linggo.
Dahil dito, pumalo na sa 1,839,365 ang kabuuang kaso sa bansa na may 125,900 aktibong kaso.
Samantala ay mayroon namang naitalang 13,952 na gumaling kaya umakyat na sa 1,681,925 ang kabuuang nakarekober sa virus infection.
Habang nakapagtala rin ng bagong 215 na pumanaw kaya umakyat na sa 31,810 ang death toll ng bansa dahil sa Covid-19.
TL
Please follow and like us: