DOH muling umapila sa publiko na iwasan ang pagpapaputok sa pagsalubong ng bagong taon
Muling umapila ang Department of Health sa publiko na sa pagsalubong sa bagong taon ay
iwasan ang paggamit ng paputok.
Ayon sa DOH, batay sa kanilang monitoring ay pababa naman na ang trend ng mga nabibiktima ng paputok ngayon.
Sa datos ng DOH, sa pagsalubong sa 2022 ay nakapagtala sila ng 122 fireworks injury mas
mababa kumpara sa 188 na naitala sa pagsalubong noong 2021.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, Bago ang pagsalubong Bagong Taon ay mag-iikot ang mga opisyal ng kagawaran sa mga ospital para makita rin ang kanilang preparasyon.
Tiniyak ni Vergeire na heightened alert na ang mga pagamutan sa bansa.
Madelyn Villar-Moratillo