DOH, nag-iimbentaryo na sa idodonate na COVID-19 vaccine sa Myanmar at Papua New Guinea
Nagsasagawa na ng imbentaryo ang Department of Health kung ilang doses ng COVID-19 vaccine ang pwedeng i-donate ng gobyerno ng Pilipinas sa iba pang bansang may mababang vaccine coverage.
Kasabay nito nilinaw ni Health Usec Ma Rosario Vergeire na hindi lahat ng bakuna na nasa stockpile ay idodonate.
Kabilang sa mga bansang bibigyan ng bakuna ng Pilipias ay Myanmar at Papua New Guinea.
Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga nasabing bansa hinggil rito.
Ang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas ay dahil sa bumababang bilang ng mga nagpapabakuna at nagpapa booster sa bansa kung saan ang iba ay malapit nang maexpire.
Madz Moratillo