DOH, nagbabala sa mga posibleng sakit na makuha ngayong tag-init
Nagbabala ang Department of Health o DOH sa mga posibleng sakit na makukuha ngayong tag-init.
Ayon sa DOH, ilang sa mga usong sakit ngayon ay sa balat gaya ng bungang-araw na dulot ng masyadong pagpapawis; Sunburn at mga Fungal infections gaya ng Hadhad, Buni at An-an na madaling kumalat sa balat na basa ng pawis.
Madali rin umanong kumalat ang bulutong kapag maalinsangan ang panahon.
Payo ng DOH, agad magpabakuna lalu na’t ito naman ay libre at ligtas.
Bukod dito, ugaliin din na uminom ng maraming tubig sa pagligo, gumamit ng moisturizer sa mukha at katawan upang maiwasang magkasakit ngayong tag-init.
==============