DOH, nagbabala sa mga posibleng sakit ngayong malamig ang panahon

Muling nagpa-alala ang Department of Health o DOH sa publiko na mag-ingat ngayong malamig ang klima.

Tuwing malamig kasi ang panahon, laganap ang iba’t-ibang sakit gaya ng sipon, ubo, lagnat, pananakit ng iba’t-ibang bahagi ng katawan gaya ng ulo, lalamunan at mga kalamnan.

Samantala, payo naman ni Dr. Leny Soriano ng New Era General Hospital sa Quezon City na mahalagang mapanatili ang malakas na resistensya upang hindi maranasan ang mga nasabing sintomas ng trangkaso.

Una, dapat malusog ang ating katawan at para maging malusog ang katawan, kailangang kumain ng masusustansyang pagkain, tamang pahinga dahil pag malakas ang resistensya natin kahit may virus o bacteria, nalalabanan yan ng ating katawan”.

Payo pa ni Dra. Leny sa mga may sipon at ubo na:

“Magtakip lagi ng bibig at ilong lalu na kapah umuubo upang hindi maisalin sa iba o sa kapwa. At dun naman sa mga wala, mag-ingat sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga taong may sipon at ubo upang hindi mahawa”.

Ulat ni Belle Surara

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *