DOH, nagbabala sa paggamit ng cooking oil na paulit ulit
Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko tungkol sa paulit ulit na paggamit ng cooking oil o mantika.
Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Eric Tayag, magdudulot ito ng panganib sa kalusugan lalo na at sobrang itim na ang mantikang ginagamit sa pagluluto.
Sinabi ni Tayag na magiging daan din ang overused na cooking oil sa bacterial growth at ito ay nagtataglay na ng mga chemical substances na lubhang makapipinsala ng kalusugan.
Bukod dito, ang lasa ng pagkain ay hindi na rin masarap at mas madali pang mapanis.
Payo ng DOH, tiyaking sapat lang ang dami ng mantika sa lulutuin para walang matira at kung may matira man, sikaping isang beses lang ito uulitin sa pagluluto upang kalusugan ay mapangalagaan.
Pahabol pa ni Tayag, mahal ang gamot at magpagamot.
Ulat ni: Anabelle Surara