DOH nagbabala sa paggamit ng generator set sa loob ng bahay
Matapos ang magkakasunod na pananalasa ng bagyong Rolly at Ulysses, may mga lugar na wala paring suplay ng kuryente.
Kaya naman ang Department of Health, mahigpit ang paalala sa publiko na huwag maglalagay ng generator set sa loob ng kanilang mga bahay.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ginawa nila ang paalala kasunod ng insidente sa Bicol Region kung saan nabiktima ng carbon monoxide poisoning ang isang pamilya.
Dahil sa nasabing insidente ay may myembro pa aniya ng nasabing pamilya ang nasawi.
Ayon kay Vergeire ang generator set ay hindi dapat inilalagay sa loob ng bahay o mga enclosed spaces sapagkat nagre-release ito ng carbon monoxide na lubhang delikado sa kalusugan.
Ang carbon monoxide ay isang color at odor less gas na maaaring magdulot ng pagkamatay o long term health effects.
Wala aniya itong sintomas at hindi rin namamalayan ng isang tao na nakalanghap na pala sya nito.
Madz Moratillo