DOH nagbigay ng ilang tips para sa ligtas na biyahe lalo na at patuloy pa ang banta ng COVID-19 ngayong holiday season

Patuloy na hinihikayat ng Department of Health ang publiko na iwasan ang pagbiyahe o pagpunta sa ibat ibang lugar para mamasyal o magbakasyon at manatili nalang sa bahay para makaiwas sa COVID-19.

Pero kung hindi parin ito maiwasan nagbigay ng ilang tips ang DOH para sa ligtas na biyahe.

Ayon sa DOH, Bago bumiyahe dapat na alamin ang pinatutupad na local protocols sa pupuntahang lugar at kumuha ng travel documents kung kailangan.

I-isolate ang sarili bago ang byahe at kung mag eeroplano ay online nalang magpa book ng ticket.

Kung nasa labas naman at may pila, tiyaking may sapat na distansya o layo mula sa iba.

Kung makaramdam ng sintomas ng flu, wag ng ituloy ang biyahe.

Sa panahon naman ng inyong byahe, magsuot ng face mask at face shield, tiyaking masusunod ang physical distancing, iwasan ang pagsasalita at pagkain sa loob ng sasakyan at magsainitize palagi ng kamay.

Kung uubo o babahing magtakip ng bibig o ilong gamit ang tissue o siko.

Kung nasa biyahe at makaramdam ng sintomas ng COVID-19 o ang isa sa kasama agad na ipaalam sa travel crew o makipag-ugnayan sa awtoridad at i-isolate ang sarili.

Sa pag-uwi naman sa bahay, itapos agad ang disposable mask na ginamit, kung makaramdam ng sintomas ng virus ay agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad at i-isolate ang sarili.

Sa pagpapakonsulta naman sa doktor mahigpit ang paalala ng DOH na maging tapat at sabihin lahat ng travel history.

Madz Moratillo

Please follow and like us: