DOH naglabas ng tips para sa ligtas na pagdiriwang ngayong holiday season
Inilunsad na ng Department of Health ang kanilang Iwas Paputok Campaign para sa taong ito.
Pero dahil nagpapatuloy pa ang banta ng COVID-19, virtual ang naging paglulunsad ng kampanya.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, mas mainam na umiwas sa SKERI at gawin ang na mga paraan.
Kumpara sa mga nakalipas na taon, sinabi ni Cabotaje na hindi nila ipinapayo ang paggamit ng torotot o pito (whistle).
Sa paggamit kasi ng mga torotot at pito na gumagamit ng bibig ay maaaring magbuga ng droplets, na posibleng magdulot ng pagkalat ng COVID-19.
Hangga’t maaari aniya ay dapat naka-face mask pa rin ang mga tao kahit nagsasaya ngayong holiday season.
Naglabas naman ang DOH ng “Pitong Patok na Alternatibo sa Paputok” ngayong holiday season.
Ang mga ito ay binuo nang may kunsiderasyon sa COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Pagpukpok sa kaldero
– Pagpalo sa tambol
– Pagbusina
– Pag-alog ng alkansya
– Pagkumpas ng tambourine
– Pagpapatugtog ng malakas
– Pagpapa-ilaw ng glow sticks
Samantala, sinabi ni Cabotaje na ang mga lokal na pamahalaan ay maaari pa namang magkaroon ng community fireworks display.
Gayunman, depende aniya ito sa estado ng community quarantine status sa kani-kanilang mga lugar, at dapat matiyak na masusunod ang minimum health standards laban sa COVID-19.
Madz Moratillo