DOH nagpaalala sa publiko na sumunod pa rin sa health protocols sa kabila ng pahayag ng ilang eksperto na posibleng ma-flatten na ang curve ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa
Sa kabila ng pahayag ng ilang eksperto sa posibilidad na ma-flatten na ang curve ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng buwan ng Agosto o Setyembre, patuloy ang paalala ng Department of Health sa publiko na patuloy na sumunod sa ipinatutupad na minimum health standards.
Una rito, sinabi ng UP-OCTA Research Group na posible nang bumaba ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Agosto o sa Setyembre.
Ayon sa DOH, ito ay projections lamang.
Giit ng DOH, hangga’t wala pang bakuna o gamot kontra COVID-19 ay kailangan pa ring gawin ng lahat ng minimum health standards.
Kabilang na rito ang tamang pagsusuot ng face mask, laging maghugas ng mga kamay, tiyakin ang physical distancing, at iwasang lumabas ng bahay.
Babala ng DOH, kung hindi susunod ang publiko sa mga health proticol na ito ay maaaring dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ulat ni Madz Moratillo