DOH, nakamonitor sa posibilidad na magkaroon ng outbreak ng mga sakit
Dahil sa epekto ng Climate Change kaya patindi ng patindi ang nararanasang El Niño ngayon.
Ang Department of Health nakabantay na sa posibilidad na magkaroon ng outbreak ng mga sakit gaya ng Diarrhea, Leptospirosis at Dengue.
Pero sa monitoring ng DOH, mula Enero 1 hanggang Hulyo 15 ng taong ito, bumaba ng 17 percent ang kaso ng dengue sa Pilipinas kung saan mula sa dating 96,500 noong 2022 ay bumaba ito sa 80,318 ngayong taon.
Malaki rin ang ibinaba ng bilang ng mga nasawi ngayong taon na nasa 299 kumpara sa 405 sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa datos ng DOH, bumaba ang dengue cases sa halos lahat ng rehiyon sa bansa.
maliban sa MIMAROPA na may pinakamalaking itinaas na kaso, sinundan ng Calabarzon, Davao region, Socksargen, Northern Mindanao, at Metro manila.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na ang dengue ay all year round na kaya para makaiwas rito sundin ang 5 s strategy.
ito ang search and destroy iyong mga posibleng breeding site ng lamok, self protection gaya ng paggamit ng insect repellants, seek early consultation kung may sintomas ay agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health care facility, support fogging, spraying ang misting in hot spot areas at panghuli sustain hydration.
Pero ang kaso ng Leptospirosis, tumaas ng 53 porsyento sa unang 7 buwan ng taon.
Mula sa 1,531 sa parehong panahon noong 2022 , ngayon umabot na sa 2,335 ang naitalang kaso ng sakit.
Ayon pa sa ahensya, inaasahang mas tataas pa ito dahil sa epekto ng nagdaang bagyong Egay at Falcon at maging ng Habagat.
Katunayan, sa inisyal na monitoring nila mula july 18 hanggang 29, may 47 ang naitalang nasawi sa mga rehiyong naapektuhan ng bagyo.
Paalala ng DOH kung hindi maiwasang lumusong sa baha, maghugas agad gamit ang malinis na tubig at sabon.
Kung matagal namang nababad sa baha o may sugat agad pumunta sa health center para mabigyan ng prophylaxis.
Dahil kasabay ng El Niño ang matinding tagtuyot nagbabala rin ang DOH sa Anthrax.
“Sa panahon ng tagtuyot halimbawa may mga lugar tayo sa ating bansa tulad sa Cagayan na naapektuhan animal health pagkat nagkaron sila ng Anthrax walang makain hayop. Pag nagkasakit mga hayop na ito ng anthrax pede masalin yan sa mga kababayan natin kaya isa yan sa binabantayan natin “ pahayag ni Usec. Eric Tayag, Spokesperson – DOH
Madelyn Moratillo