DOH, nakapagtala ng 894 bagong kaso ng HIV

Umaabot na sa halos 900 ang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus o HIV ang napaulat noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon sa Department of health o DOH, 96 percent dito ay male cases at halos kalahati nito ay mula sa 15-24 years age group.

Mula sa 894 bagong mga kaso, 127 dito ang nagdevelop na sa AIDS.

Nagmula naman sa National Capital Region ang pinakamaraming bilang ng mga bagong kaso ng HIV na may 303 cases.

Sinundan ito ng Calabarzon-164; Central Luzon-94; Central Visayas-63; at Davao region-55.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *