DOH , nakapagtala ng mga bagong kaso ng Omicron subvariants
Nadagdagan pa ang bilang ng mga bagong kaso ng Omicron subvariants na natukoy sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, may anim na karagdagang BA.5 at 10 bagong BA.2.12.1 Omicron subvariants ang kanilang natukoy.
Kabilang sa 6 na bagong BA.5 cases na ito ay 2 na mula sa Metro Manila, tig isa mula sa Region 2, 6, at 10 at isa na bineberipika pa ang kanilang tirahan.
Apat sa mga ito ay fully vaccinated habang inaalam naman ang vaccination status ng iba.
Ang dalawa sa kanila ay may mild symptoms.
Ang 5 sa kanila ay nakarekober na habang ang isa ay sumasailalim pa sa home isolation.
Sa sampung bagong BA2.12.1 cases, 4 ay mula sa NCR, 2 sa Region 4A tig isa sa Region 2,5 at 6 at isang returning overseas filipino.
Tatlo sa kanila ay fully vaccinated.
Dalawa rito ay nakitaan ng mild symptoms at asymptomatic naman ang tatlo.
Isa nalang rito ang aktibong kaso, nakarekober na ang walo at bineberipika naman ang iba pa.
Ayon kay Vergeire, unknown pa ang exposure ng mga ito at bineberipika naman ang kanilang travel histories.
Madelyn Villar-Moratillo