DOH nakikipag-ugnayan sa vaccination hubs makaraang mabakunahan ng 2nd booster shots ang hindi naman immunocompromised
Sinabi ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan ito sa vaccination centers, makaraang makatanggap ng mga ulat na may nabakunahan ng ikalawang COVID-19 booster shots na health workers at senior citizens, sa inisyal na rollout ng dagdag na doses para sa immunocompromised individuals.
Sinimulan na ng gobyerno ang pagbibigay ng second booster doses nitong Lunes, nguni”t para lamang sa immunocompromised adults, batay sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ang mga taong may mahinang immune system ay kinabibilangan ng transplant recipients, mga pasyenteng may active cancer, HIV, mga sumasa-ilalim sa steroid treatments,at bedridden.
Sa isang statement, sinabi ng DOH na titingnan nito ang mga ulat na siang ospital sa Metro Manila ang nagbigay ng boosters sa medical workers at senior citizens na hindi naman kabilang sa immunocompromised.
Ayon sa DOH . . . “Hospital management has explained that they unintentionally misinterpreted guidelines. The DOH and the National Vaccination Operations Center (NVOC) are currently coordinating with the relevant health care facilities and vaccination sites to prevent further instances of these events. The facilities in question have now since returned to administering boosters to ICPs only.”
Ayon sa DOH, nirerepaso pa ng HTAC ang mga ebidensiya para sa senior citizens at healthcare workers.
Target ng mga awtoridad na magbigay ng boosters sa humigit-kumulang 690,000 immunocompromised para maragdagan ang kanilang proteksiyon laban sa COVID-19 at sa mga variant nito.
Higit 67.4 milyong Pinoy ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. Sa nasabing bilang, 12.9 na milyong katao pa lamang ang nakapagpa-booster shot na.