DOH nilinaw na pwedeng magwalk in ang mga senior citizen sa vaccination site kahit sa panahon ng ECQ
Nilinaw ni Health Usec. Myrna Cabotaje na pinapayagan ang mga senior citizen na mag walk-in sa COVID-19 vaccination sites sa panahon ng pag-iral ng enhanced community quarantine sa National Capital Region.
Paliwanag ni Cabotaje, ang mga senior citizen ay binigyan ng ganitong pribilehiyo dahil sila ang itinuturing na pinaka-vulnerable sa COVID-19.
Wala rin aniyang karagdagang requirements na hihingin sa mga senior citizens na magtutungo sa vaccination site sa panahon ng ECQ.
Hanggang nitong Agosto 2, nasa mahigit 2.6 milyong senior citizens palang ang fully vaccinated sa bansa o katumbas lang ng 32.57% ng target mabakunahan sa kanilang sektor.
Madz Moratillo