DOH nilinaw na walang omicron variant sa pinakahuling swab samples na isinailalim sa genome sequencing
Walang Omicron variant na nakita sa pinakahuling swab samples na isinailalim sa genome sequencing.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, sa 629 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center, may 571 delta variant, at tig isa naman ng Alpha at Beta variant.
Ang Delta variant parin ang pinaka pangkaraniwang Variant ng Covid-19 na nakita sa bansa.
Aminado si Vergeire na hanggang ngayon ay hindi parin nila tiyak kung talagang mas nakakahawa nga ba ang Omicron variant kumpara sa Delta variant dahil patuloy pa ang pag-aaral ng mga eksperto rito.
Ang mahalaga aniya, maging mas maingat ang publiko at palaging sumunod sa health protocol.
Madz Moratillo