DOH pabor na makasama sa prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang pamilya ng healthcare workers at mga sundalo
Sang ayon ang Department of Health sa panukala ng Pangulong Duterte na makasama sa mga prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang pamilya ng healthcare workers at mga sundalo.
Pero ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje ito ay pagkatapos pang mabakunahan ng mga medical frontliners at mga sundalo.
Ayon kay Cabotaje, maaaring ang ilang myembro ng pamilya ng mga ito ay makasama rin naman sa mga nakalatag na priority list ng pamahalaan sa pagbabakuna.
Tiniyak ng opisyal na nagsisikap ang pamahalaan na makakuha ng mas maraming doses ng COVID-19 vaccines upang mas maraming Filipino ang mabakunahan laban sa virus na ito.
Kaugnay nito sinabi ni Cabotaje na habang hinihintay ang pagdating ng mga bakuna, sinimulan na rin nila ang training sa mga healthcare workers mula sa mga pribado at pampublikong sektor para sa magiging deployment sakaling umarangkada na ang vaccination program.
Mas pinakalas na rin aniya nila ang kanilang information campaign sa tulong ng Philippine Information Agency upang mas maipaunawa sa publiko ang lahat nf impormasyon na may kinalaman sa bakuna.
Madz Moratillo