DOH, patuloy ang panawagan sa mga nanay na magpa-breastfeed, samantala, National breastfeeding awareness, ipinagdiriwang ngayong buwan
Pinangungunahan ng Department of Health ang lahat ng mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month upang lalong maitaas ang kamulatan ng mga ina na may anak na sanggol sa kahalagahan na ma-breastfeed ang kanilang baby.
Kaya naman patuloy ang panawagan ng kagawaran ng kalusugan sa lahat ng mga ina na may sanggol nai- breast feed ang kanilang anak.
“Sa mga nanay, sa mga kababaihan natin na magbubuntis pa at manganganak, at sa mga young girls natin na balang at araw ay magiging nanay …wala na pong papantay a breastmilk, pinakamaganda at pinaka optimal nutrition para sa ating mga anak so, mag breastfeeding po tayo, kung meron po kayong problema, sumangguni po sa pinakamalapit na health center , tutulungan po namin kayo”. – Health Sec. Ubial
ayon pa kay Health Secretary Paulyn Ubial, ang breastfeeding ay nakatutulong sa nanay upang hindi agad na mabuntis dahil magsisilbi itong contraceptive.
“Ginagamit po natin ang breastfeeding sa lactation amernoria method afef giving birth kung tuloy tuloy ang breastfeeding natin up to six month pwede siyang maka control ng ovulation, can serve as contraception”. – Ubial
Ulat ni: Anabelle Surara