DOH pinaalalahanan ang kanilang Vaccination Operation Centers sa prioritization ng pagbabakuna
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa kanilang Regional Vaccination Operation Centers para masigurong nakasusunod sila sa prioritization ng pagtuturok ng booster dose ng Covid-19 vaccine.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na, sa kasalukuyan ay mga frontline healthcare workers , senior citizens, at immuno compromised adults palang ang pwedeng bigyan ng second booster shot o 4th dose ng COVID- 19 vaccine.
Paalala ng DOH sa kanilang RVOC, mahigpit na sundin at tutukan ng mga ito ang pagbibigay ng 3rd dose para mapalawak ang coverage ng may booster shot sa bansa.
Tiniyak ng DOH na nanatili paring epektibo ang bakuna laban sa COVID- 19.
Sa datos ng DOH, may mahigit 69.7 milyon na ang fully vaccinated sa bansa habang mahigit 14.5 milyon naman ang may booster shot.
Madelyn Villar – Moratillo