DOH , pinagpapaliwanag ni Pangulong Duterte sa COA kaugnay ng kinukuwestiyong 67 bilyong pisong pondo para sa COVID-19
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health o DOH Secretary Francisco Duque III na ipaliwanag sa Commission on Audit o COA ang kinukuwestiyon na 67 bilyong pisong pondo para sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang obserbasyon ng COA bilang state auditor at tagapagbantay sa paggastos sa pera ng bayan ay hindi minamaliit ng Malakanyang.
Ayon kay Roque seryoso at mabigat ang obserbasyon ng COA kaya dapat itong ipaliwanag ng DOH dahil ayaw ni Pangulong Duterte na nababahiran ng anomalya ang paggastos sa pondo ng pamahalaan.
Niliwanag ni Roque, walang sisinuhin ang Pangulo kapag napatunayan ng COA na may nangyaring korapsyon sa pondo ng DOH sa pagtugon sa pandemya ng COVID 19.
Inihayag ni Roque hihintayin ng Pangulo ang pinal na report ng COA sa sinasabing kuwestiyunableng pondo ng DOH bago gumawa ng kaukulang hakbang.
Vic Somintac