DOH pinakikilos sa outbreak ng hand foot and mouth disease o HFMD sa Batangas
Hinilng ni Batangas Congresswoman Gerville Luistro sa Department of Health o DOH na gumawa ng kaukulang hakbang para mapigil ang outbreak ng hand foot and mouth disease o HFMD sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Luistro, mahigit isangdaang batang mag-aaral ang tinamaan ng HFMD sa loob lamang ng limang araw.
Sinabi ni Luistro, na nakababahala ang outbreak ng HFMD sa Batangas lalo na ngayong ipinatutupad na ang face to face classes.
Inihayag ni Luistro, bagama’t hindi kasinglala ng COVID- 19 ang HFMD mayroon itong kumplikasyon na maaaring ikamatay ng biktima ng naturang sakit.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng HFMD sinuspinde na ng pamahalaang lokal ng San Pascual Batangas ang klase, dahil walong barangay na ang apektado ng outbreak.
Vic Somintac