DOH, pinawi ang pangamba ng publiko sa pagpapaturok ng COVID-19 vaccine na na-extend ang shelf life
Hindi dapat mangamba ang publiko sa effectivity ng COVID-19 vaccines na ginagamit sa bansa kabilang na rito ang mga bakuna na na-extend ang kanilang shelf life.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na nakarating sa kanilang kaalaman na may ilan ang alanganin sa pagpapabakuna ng mga inabot ng expiration pero na extend ang buhay.
Binigyang diin ng DOH na bago i-extend ang shelf life ng bakuna, dumadaan ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto.
Lahat ng umano ng bakuna na itinuturok sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno kontra COVID-19 at ligtas at epektibo laban sa virus.
Una rito, sinabi ng DOH na sa kabuuan ng supply ng COVID-19 vaccines sa bansa, 6.6 percent lang ang naitalang wastage.
Pero ang bilang na ito, pasok parin naman daw sa 10% threshold na itinakda ng World Health Organization.
Madelyn Villar – Moratillo